17 “Good morning officer,” bungad ni Jayvee nang makapasok siya sa loob ng police department ng San Vicente at nang makalapit siya sa desk kong saan may pulis na may katandaan na dahil sa puti nitong buhok na makikita sa ulo, idagdag pa ang kulubot nitong mukha at balat. “Magandang umaga din,” walang kagana-ganang sagot sa kanya balik ng matandang pulis sa binata. “Ako nga pala si Jayvee, isang turista dito sa lugar ninyo at gumagawa ng research tungkol sa bayan ninyo.” Wika ni Jayvee. Tinitigan muna ng ilang segundo si Jayvee ng pulis at unti-unti naman nawawala ang masiglang ngiti ni Jayvee sa kanyang mukha, pakiramdam niya ayaw sa kanyang makipag-usap ng matandang pulis. “Ano naman ngayon kong ikaw si Jayvee, ako naman si senior inspector Agaran, Manuel Agaran, anong maipaglilingkod