Chapter 9

1113 Words

9 Nagising si Joy na una niyang nakita ang puting kisame, ramdam niya sa kanyang likuran ang malambot na kama. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, wala siya sa kanyang silid, umupo siya at nakaramdam siya ng pagkahilo. Doon niya napagtantong nasa loob siya ng isang silid na madalas ipagamit sa mga pasyente nila, nang laki ang mata niya, wala siyang ideya kong bakit siya na andoon, ang lakas ng t***k ng puso niya, na animoy may naghahabulan na kabayo sa loob ng dibdib niya. Nang sulyapan din niya ang suot niyang damit, katulad din ito ng mga pasyenteng inaalagaan nila. Nawala ang kulay sa kanyang mukha at masasalamin sa kanyang mga mata ang takot at pagtataka kong ano ba talagang nangyayari. Bakit siya nasa silid ng mga baliw at bakit may suot siya ng damit nang mga pasyente nila?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD