8 Muling huminga ng malalim si Rica habang nakamasid kay Joy, nang maisugod nila ito sa clinic agad naman itong inasikaso, wala ring bukas na balat sa katawan ni Joy para magkaroon ng kalat sa sahig kanina, sa ibang dugo ang nakita nila sabi ng doktor, samantalang si Joy lang naman ang nakita nila doon, iniisip niya kong kanino ‘yon kong dugo talaga ‘yon at bakit ‘yon na andoon. Hindi parin sila nakakabalik na tatlo sa mga trabaho nila dahil binabantayan nila si Joy, pinayagan din naman sila ng pinaka-head sa kanila, hanggang ngayon ay pinapa-imbestigahan nila ang nangyaring ‘yon kanina. Una nilang naisip ay nahimatay si Joy nang makakita ito ng dugo kanina kaya nawalan ng malay. Umiikot sa isipan ni Rica ang mga nangyari noong unang araw niya sa State Haven at unang gabi niya, yong mga