7 Nasa quarters ng mga nurse si Wasim at ang kasintahan niyang si Raisse pareho silang nag-check ng mga kailangan gawin na nakalista lang doon, pati na rin ang list ng supply kong may kulang ba, tahimik lang ang dalawa, hindi nila kasama si Joy dahil lumilibot ito sa ngayon, nagbabasa lang si Wasim ng kanyang hawak na papel habang si Raisse naman ay nakatutok sa monitor ng desktop. Tahimik din sa buong pasilyo, ni walang nagdadaan na kahit na sino. Naramdaman ni Raisse na may kumalabit sa kanyang kanang balikat, hindi naman niya ito pinansin dahil busy siya sa kanyang ginagawa, ilang segundo at naulit na naman ito, ngunit sa kaliwang balikat naman niya, siya’y natigilan, at napasulyap sa kasintahan niyang nakatalikod sa kanya hanggang ngayon. Napataray naman siya ng wala sa oras, iniisip