6 Sa pagkakataon na ito muling nasilayan ni Rica ang labas ng State Haven, maaraw sa labas ngunit hindi naman mainit, tama lang ang panahon sa araw na ‘yon, kasama niyang muli sila Joy, ay nakahintong armor car sa harapan nila, na andoon din ang iilang doktor at nurse na matagal nang nagtrabaho doon, ang pagkakaalam niya may bagong pasyente daw na darating. Pagbukas ng pintuan sa likod ng armor car, nilabas nila doon ang matangkad na binata, may suot itong posas sa mga kamay na nasa likod, rinig nila ang pagmumura nito at pagsisigaw na pakawalan siya. “Tangina ninyo pakawalan ninyo ako, wala akong ginagawang masama! Puta pakawalan ninyo ako!” napakunot noo si Rica nang marinig niya ang mga salitang ‘yon, pero isa lang ang na pansin niya sa binata hindi ito baliw, mukha lang itong gagawa