Chapter 5

1297 Words
5 Madali namang nakarating si Rica sa canteen ng State Haven kong saan sabay-sabay na pinapakain ng mga nurse at doktor ang mga pasyente doon, pero depende din sa mga pasyente na pwede nilang ilabas sa mga silid nito, meron kasing mga pasyenteng hindi kailangan lumabas ng silid dahil may mga kakaiba na itong pag-uugali na hindi kayang paamuhin ng mga magbabantay. Hindi mabilang na pasyenteng nakakulay puting uniporme doon, isang tshirt na v-neck, pants na puti at sapatos na kulay puti, mapalalaki man o babae ga’nun ang suot nila. May mga nagbabantay naman na mga security guard maliban sa kanilang mga nurse, malalaki ang mga katawan nito na kayang humawak ng isang pasyenteng baliw kong sakaling magwala ito. Mas na uunang kumain ang mga nurse, doktor o mga nagtatrabaho doon bago ang mga pasyente. Magkakasama sila Rica, Joy, Raisse at Wasim sa mga oras na ‘yon na pinagmamasdan lang ang mga sabay-sabay na kumakaing pasyente. “Ang ganda nila tignan ano,” sarkastikong wika ni Wasim. “Tumigil ka nga,” saway naman ni Raisse ang kasintahan nito. “Alam mo baby kong buntis ka ngayon baka iisipin kong pinaglilihian mo ako,” biro muli ng binata. Agad na napasulyap si Rica at Raisse kay Wasim na nakangiti ngayon, “baliw ka,” bulong ni Raisse. Hindi naman maiwasang matawa ni Rica sa away aso’t pusa ng magkasintahan. “Alam ninyo kayong dalawa ang tumigil, baka mamaya mapagalitan na naman tayo nito,” aniya naman ni Joy. Bumuntong hininga naman si Wasim dahil hindi siya pwedeng mag-ingay sa mga oras na ‘yon. “Oo nga pala kumusta naman ang unang gabi mo dito Rica?” napasulyap naman si Rica sa tanong ni Raisse sa kanya na katabi niya sa may kanan. Natigilan siya at naalala ang nangyari kaninang madaling araw, pinipilit niya sa kanyang sarili na wala lang ang lahat ng ‘yon, guni-guni lang ang lahat o baka dahil antok lang siya. Ngumiti siya kay Raisse, “ayos naman, nakatulog naman ako ng maayos, ‘yon nga lang maaga din akong nagising, siguro dahil excited ako sa unang trabaho ko.” Pagsisinungaling ni Rica, hindi naman siya masaya o excited sa unang araw niya, kailangan lang niyang gawin ‘to para sa pera, para sa pamilya niyang umaasa sa kanya. Ngumisi naman si Wasim na katabi naman ni Raisse, “ganyan talaga ang mga babae, excited palagi sa lahat ng bagay na pwedeng mangyari sa kanila, ganyan din kasi ang nangyari kay Raisse may loves ko eh, ang aga niyang nagising.” “Talaga?” sabay ngiti ni Rica. “Ah oo, excited nga ako,” sabay ngiti naman ni Raisse. “Hindi ako naniniwala kasi, bakit naman ako babae naman ako ah? Pero hindi ako excited sa unang araw natin dito, depende lang yan sa tao, yong iba naman nagkakataon lang kaya sinasabi na magkakapareho,” paliwanag ni Joy. “There’s no such thing as a coincidence, everything as a reason.” Wika naman ni Wasim sa mga kasama niya. “Ay nako yan na naman yong sikat na lines ni Mr. Hugotero,” sabi ni Raisse sabay taray nito sa hangin. Narinig pa niya ang iilang pagtatalo ng tatlo niyang kasamahan, kahit papaano magiging normal naman siguro ang takbo ng buhay niya sa State Haven, sa isip-isip ni Rica habang pinagmamasdan niyang muli ang mga pasyente nila. Natapos ang agahan ng mga pasyente nila na kailangan na nilang bigyan ng mga gamot ito, mga gamot na magpapakalma sa mga pasyente kada tatlong oras, para matapos nila itong lahat, nagtulungan sila sa pagbibigay ng gamot sa bawat isa, ni hindi man lang tumitingin sa mga mata ng pasyente si Rica, natatakot siya, hindi niya alam kong bakit, dahil siguro sa baliw na kamag-aral niya noon na si Atom. Ayos naman ang naging takbo ng pagbibigay niya ng gamot hanggang sa lumapit siya sa isang pasyente na may kakaibang ayos, may suot itong asul na bistida sa ibabaw ng uniporme nito bilang pasyente, may puting apron sa ibabaw ng asul nitong bistida, may suot din itong head band na puti, hindi niya maiwasang mapatitig sa maamo nitong mukha at mukha pa itong bata kong titignan. Natauhan lang siya ng ngitian siya nito, agad niyang nilapag sa maliit nitong platito ang gamot na kulay asul at rosas na tablita. “Hindi kita kilala, baguhan ka lang ba dito?” paalis na sana siya nang tanungin siya ng dalagang may asul na bistida, muli niya itong sinulyapan, nagtataka siya na may normal dito magsalita, samantalang ang iba madalas niyang marinig magsalita ng galit, magmura o minsan naman ay umiiyak kahit wala namang dahilan. “Ngayon lang kita nakita dito sa wonderland kong saan lahat ng tao dito, may iba’t ibang libel ng kabaliwan.” Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng dalaga, ‘wonderland?’ pagtataka niya sa kanyang sarili, “anong wonderland, wala tayo sa wonderland? Nasa State Haven, pangalan ‘yon ng lugar kong na saan ka ngayon.” Nagulat siya nang tumawa ito ng mahina, napaisip niyang hindi rin pala normal ang isang ‘yon. “Alam mo ba ang wonderland? Diba kwento ‘yon ni Lewis Carroll, ako si Alice yong fictional character niya, wag kang mag-alala makilala mo rin kong sino sila White at Red queen, kong sino si mad hatter, si Chester o kaya sino ba si blue caterpillar.” Tuluyang nawala ang kulay sa mukha ni Rica nang tumawa ng tumawa ang dalaga, naalala na niya ang ibig sabihin nito at kaya ga’nun din ang suot ng dalaga. Paalis na sana si Rica nang bumungo siya sa isa pang nurse, “sorry po,” sabi niya sa binatang nurse na mas matangkad pa sa kanya, may kaputian ito at may bombayin na mukha na siyang nagpapadagdag pa sa kulot nitong buhok. “Ayos lang,” sabi nito sa kanya, naririnig pa rin niya ang tawa ni Alice sa likuran. Sumilip ang nurse na ‘yon sa gilid para makita si Alice at muling humarap sa kanya, “kong ako sayo wag na wag kang makikipag-usap sa kahit kaninong pasyente dito, baka kasi mahawa ka sa kabaliwan nila.” “Huh?” ‘yon na lamang ang tanging lumabas sa bibig ni Rica. Tumawa ng mahina ang binata, “tandaan muna lang kong ano yong sinabi ko sayo, mag-iingat ka rin sa mga baliw na yan baka mas masaktan ka nila kesa sa mga normal na nakapaligid sayo.” Saka ito tuluyang umalis sa harapan niya, paulit-ulit naman na umiikot sa isipan niya ang mga sinabi ng binata na kailangan niyang mag-ingat, ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Laking gulat niya ng may humawak sa kanyang braso, halos umalis ang kaluluwa niya pero nakita niyang si Joy ito na nagtataka sa kanya, sumulyap naman ito sa papaalis na binata at tumingin sa kanya, “alam mo Rica kong ano man ang sinabi sayo ng nurse na ‘yon tinatakot ka lang n’un, ga’nun talaga sila mga baliw din, gusto nilang tinatakot yong mga baguhan na katulad natin.” ‘Tinatakot? Yong bang nangyari kaninang madaling araw pananakot pa ba ‘yon?’ Tanong niya sa kanyang isipan, binigyan lang niya ng ngiti si Joy at binitawan naman siya nito. “Ayos lang ‘yon sanay na ako sa mga ganyang tao,” sabi niya kay Joy. “Halika na tapos na ang trabaho natin dito, may bagong pasyente din ang paparating baka ibigay sa atin yong pag-assess doon, halika na,” yaya ni Joy sa kanya, kaya tumango na lamang siya, kasabay ng paglabas nila, nagsisilabasan din ang ibang pasyente kasama ang mga guard ng State Haven para ibalik sa mga kani-kaniyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD