Chapter 4

1174 Words
4 “Tama na, bakit mo ba ‘to ginagawa?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Rica kay Atom, pero animoy wala namang naririnig ang binata sa kanyang hinaing, habang may inaayos ito, nakatali siya sa isang bakal na kama, dinala siya doon ng binata habang natutulog siya sa silid ni Jess, nagising na lamang siyang na andoon sa kakaibang silid kasama na ang binata. Nangangatog ang buong katawan ni Rica sa takot, kong ano nga bang gagawin sa kanya ng binata at bakit siya dinala doon? Kulay pula ang ilaw sa madilim na silid na ‘yon kaya nagpapadagdag pa sa kaba niya, may mga nakasabit din na kong ano-ano animoy sabitan ng karne sa palengke, mga matatalim na bagay at madalas na ginagamit sa ospital na operasyun. May mga kabinet na malalaki na hindi niya mawari kong para saan ang bagay na ‘yon. “A-atom pakawalan muna ako, kong anong gusto mo ibibigay ko? Gusto mo ba ng pera, bibigyan kita basta-basta wag mo akong sasaktan, nagmamakaawa ako sayo---.” Natigilan siya sa kanyang sasabihin ng makitang humarap ang binata sa kanya at may hawak itong dalawang itak sa magkabilang kamay, mga bagong tabas na itak na handang gamitin sa karne. May kakaibang titig ang binata sa kanya, naiwang nakaawang ang bibig niya at mas lalong kumabog ang dibdib niya. “Alam mo ba kong saan ko ‘to gagamitin?” Nakakatakot na tanong ng binata sa kanya. Umiling-iling siya, gusto niyang magsalita pero pinangungunahan siya ng takot at kaba. “Madali lang naman ang gagawin natin, babalatan kita ng buhay!” Sabay tawa ng binata sa sinabi nito sa kanya. “Parang awa muna, wag mo akong sasaktan!” Palapit na ito ng palapit sa kanya, pilit niyang kinakalas ang kamay at paa niya sa tali, pero hindi niya magawa, masyado itong mahigpit, nasasaktan na siya at halos masugatan na ang mga pulso niya sa pagkakatali sa kanya. Sigaw siya ng sigaw habang umiiyak, “tulong! Tulungan ninyo ako!” Sigaw niya sa loob ng silid, humahalo naman ang tawa ng binata sa kanyang sigaw. *** Nang laki ang mga mata ni Rica ng magising siya sa masamang panaginip niya, mga panaginip na madalas siyang bisitahin sa kanyang pagtulog, panaginip na gigising siyang takot, mga panaginip na palaging pinapaalala sa kanya ang nangyari noong nakalipas na taon. Huminga siya ng malalim, pinunasan niya ang luhang dumadaosdos sa kanyang pisngi. Hindi na magiging normal ang takbo ng buhay niya simula ng mangyari ang insidenteng ‘yon sa buhay niya. “Panaginip lang ‘yon,” bulong niya sa kanyang sarili, sabay buntong hininga. Napasulyap siya sa wall clock na sinabit niya kahapon, alas tres pa lang ng madaling araw heto at gising na naman siya, ga’nung oras din siya kinuha noon ni Atom at ga’nung oras din siya magising sa masamang panaginip. Napakatahimik ng buong paligid, dahil siguro maaga pa at tulog pa ang lahat. Hindi pa ayos ang iilan niyang gamit sa karton, na isip niyang tatapusin na lamang niya ito sa ibang araw. Muli niyang pinikit ang mga mata niya, masyado pang maaga para mag-asikaso sa una niyang araw sa trabaho niya. Sa pagpikit niya, may naramdaman siyang kakaiba sa paligid niya, animoy may gumagalaw sa paligid, nararamdaman niyang may malapit sa mukha niya, animoy nakatitig, ang mas kakaiba sa nararamdaman niya may kakaibang mainit na hangin na binibuga sa mukha niya, hinihingahan siya sa mukha. Dinilat niya ang mga mata ngunit wala naman siyang nakikita o na pansin na kakaiba sa silid niya. Pinagmasdan lamang niya ang kisameng puti, binasa niya ng laway ang natutuyot niyang labi. 'Wala lang 'yon, pagod ka lang at antok,' sabi niya sa kanyang isipan kahit na kinakabahan na siya. Tumagilid siya ng higa sa may kanan at pinikit muli ang mga mata. Sa pagpikit niya, ibang karanasan naman ang naramdamab niya, animoy may malamig na bagay ang yumayakap sa kanya kahit na nakakumot naman siya, may humihingi sa kanyang batok na siyang nagpapataas ng balahibo niya sa buong katawan, animoy may nakatitig na naman ng malapit sa mukha niya, hindi na siya mapakali. Muli niyang dinilat ang mga mata, pero wala namang pinagbago pero ang mas nagpataas ng balahibo niya nang may bumulong sa tenga niya. "Mag-iingat ka," agad siyang napabalikwas ng bangon sa kama habang yakap ang sarili sa ilalim ng kumot. Nanglalaki ang mga mata niya, namimilog dahil sa pagkagulat, hindi siya pwedeng magkamali may narinig siya, nilibot niyang tingin ang buong paligid, iniwan din niyang bukas ang ilaw dahil takot na siya sa dilim lalo na't mag-isa na siya. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya, pinagpapawisan din siya ng malamig. Nakalimutan na rin niyang basain ang nanunuyot niyang labi, paulit-ulit siyang lunok ng lunok. 'Guni-guni ko lang 'yon diba?' Pagtataka niya sa kanyang sarili, 'walang tao dito, ako lang, kaya hindi maaring may narinig ako,' pagkukumbinsi niya sa kanyang sarili. Tuluyan nang nagising ang diwa niya at parang ayaw na niyang bumalik pa sa pagkakahimbing. Nang mapasulyap siya sa pintuan, na pansin niyang nakaawang ito, naningkit ang mga mata niya, inaalala niya kong iniwan niyang nakabukas ito, pero ang pagkakaalala niya, sinara pa niya ito at nilock. Inalis niya ang kumot sa kanyang katawan at umalis sa kama. Lumunok siyang muli na animoy may tinik na nakabara sa kanyang lalamunan. Naglakad siya papalapit sa pintuan, binuksan niya ito ng tuluyan at sinilip ang labas kong may tao na ba sa mga oras na 'yon, pero imposible dahil maaga pa at sa laki ng State Haven baka minsanan lang siya makasalubong ng katrabaho sa mga pasilyo. May nahagip ang mata niya sa kanang bahagi ng pasilyo, mabilis na bagay na kulay itim o hindi, dahil hindi siya sigurado kong ano ba yong nahagip ng mata niya. Lalong nadadagdagan ang kaba niya sa mga oras na 'yon, "wala lang 'yon diba," bulong niya. Muli siyang pumasok sa loob at sinara ang pintuan, sinigurado niyang nilock na niya ito. Bumalik siyang muli sa kama niya at nagtago sa kumot, pilit niyang bunabalik ang sarili niya sa pagkakatulog, sa tuwing ipipikit niya ang mga mata wala na 'yong pakiramdam na may tumititig sa kanya, pero yong takot na andoon parin sa kakaiba niyang nararamdaman. Halos isang oras at kalahati din siyang gising, hindi na siya tuluyang nakabalik sa pagkakatulog, muli na lamang siyang bumangong sa kama para na rin makaasikaso siya sa kanyang gagawin sa pagpasok. Inihanda niya ang uniporme at gamit pang paligo. Pasalamat siya at kompleto ang silid niya, may sarili itong banyo. Nag-umpisa na siyang maligo, pagkatapos naman niya doon ay nagbihis na siya ng puti niyang uniporme. Umabot ng halos limang minuto ang pag-aayos niya, pinagmamasdan niya ang sarili niya sa salamin kong saan suot niya ang unipormeng puti na pang nurse. Dapat masaya siya sa unang araw niya sa trabaho, pero masakit ang ulo niya dahil sa kulang na tulog, puyat na mga mata at hindi masiglang mukha ang nakikita niya, sa tingin niya hindi ito ang masayang araw para sa una niyang trababo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD