Chapter 3

953 Words
3 Mula sa madilim na silid, tanging ilaw sa monitor ng desktop ang nagbibigay liwanag sa buong silid na 'yon para sa kanya. Makikita sa monitor ang video sa cctv sa bawat sulok ng mental ospital, kaya nakikita niya ang kilos ng bawat isa, dito rin niya makikita kong sino ang kakampi niya o hindi. Mula sa pasilyo papunta sa mga silid ng mga nurse na nagtatrabago doon kong saan nakikita niya ang naglalakad na dalaga na may bitbit na karton, 'siya yong bagong nurse dito,' sa isip-isip niya, sandali siyang napangiti at napaisip. Natigilan siya nang may marinig siyang boses, isang boses ng babae. "Hindi ka dapat magtiwala dyan," sabi nito sa kanya. Bahagyang karalgal ang boses na naririnig niya mula sa likuran, animoy nagtatago sa madilim na parte sa likod ng upuan niya. "Wala naman akong sinabing may tiwala ako o wala sa babaeng yan," wika naman niya. "Siguraduhin mo lang at baka mawala ang lahat ng pangarap mo," saad muli ng babae na animoy may malalim itong ibig sabihin. Naging seryoso lalo ang mukha niya, "maingat ako, alam mo yan, hindi masisira ang pangarap ko ng dahil lang sa baguhang yan." "Talaga lang? Kasi may iba akong nakikita sa kanya," sambit ng babae sabay tawa ng mahina nito mula sa likuran ng upuan. Inalis ng tingin niya sa monitor at napasulyap sa madilim na bahagi ng silid. Wala siyang nakikita na kahit na ano, pero alam niyang may kausap siya at may kasama siya sa mga oras na 'yon. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa babae. "Masyado kang interesado," sabay tawa ng babae, tawa na mas malakas pa kesa kanina, animoy nababaliw sa pagtataka ng kausap. --- Huminga ng malalim si Rica ng matapos niyang maipasok ang lahat ng gamit niya sa magiging silid niya sa State Haven. Pinagpawisan siya sa pagbitbit at pabalik-balik sa labas kahit na kakaunti lamang ang mga 'yon. Kailangan pa niyang ayusin ang mga gamit niya, uumpisahan sana niya nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng kanang parte ng higaan. Agad niya itong kinuha at tinapat sa kaliwanang tenga. "Hello?" Bungad niya sa kabilang linya. "Hi Rica," narinig niya ang boses ng matalik niyang kaibigan na si Jessa, agad siyang napangiti at nakalimutan ang mga iniisip niya. Laking pasalamat naman niya at may signal pa pala sa loob ng kulog na mental ospital na pinapasukan niya. "Kumusta ka na?" Tanong nito sa kanya. Mula sa kabilang linya, maririnig niya ang mahinang musika at nagsasalitang lalaki na animoy nagrereklamo. "Si Jeremy ba 'yon?" Sabay tawa niya ng mahina. Narinig niya ang buntong hininga ng kaibigan, "oo ang arte, andito kasi kami ngayon sa bahay ng lola niya, may kasiyahan kasi dito, eh gusto nang umuwi, sabi ko wag muna kasi hiling 'to ng lola niya na pumunta kami. Maiba tayo? Pupunta ka ba sa kasal ko?" Natigilan siya at napasulyap sa wedding card na nakapatong sa karton na dala niya. Kulay rosas at may kakaibang papel ang ginamit doon. Naalala niyang ikakasal na ang kaibigan sa susunod na linggo, ito rin yong araw na kailangan na andoon din siya sa party ng ginawa ng lola ng kaibigan dahil isa 'tong bridal shower. Nagpaalam na siya sa kaibigan na hindi siya makakapunta dahil kailangan niyang magreport sa bago niyang trabaho. Pero hindi pa niya nasasabi sa kaibigan kong makakapunta ba siya sa mismong araw ng kasal, dahil hanggang ngayon hindi siya sigurado. "Oo naman, pupunta ako," pagsisinungaling niya para hindi ito malungkot. "Aasahan ko yan, miss na kita Rica," sabi ni Jess sa kabilang linya. "Miss na din kita Jessa," makikita ang lungkot sa mukha ng dalaga, "siguro ikain muna lang ako dyan kong anong masasarap dyan," biro niya sa kausap. Ilang bagay pa ang napag-usapan nila hanggang sa magpaalam na siya. Naging tahimik na naman ang paligid niya, muli siyang napasulyap sa paligid. Napakatahimik, hindi niya ito gusto, ni walang bintana, hindi niya alam kong umuulan ba sa labas o kong maaraw pa rin ba, wala siyang ideya sa panahon, pakiramdam niya preso siya sa mental ospital na 'yon. Habang inaayos niya ang mga gamit isa-isa, bigla na lamang siya nakaramdam ng pagtaas ng balahibo sa batok at panglalamig ng marinig niya ang kakaibang tunog, hindi niya mawari kong saan o ano ang tunog na 'yon, pero para itong kuko na kinikiskis sa isang magapas na bagay. Nagpalinga-linga siya paligid at sinundan kong saan ang bagay na 'yon, pero hindi niya ito mahanap. Naramdaman niya ang paglakas ng t***k ng puso niya, humangin sa loob ng silid niya kahit wala namang bintana para pumasok ang dumaan na hangin. Mapasulyap siya sa pintuan ng may mahagip siyang may dumaan doon, agad siyang tumayo, "sino ang na andyan?" Tanong niya, ngunit wala namang sumasagot. Binuksan niya ng tuluyan ang bahagyang nakabukas na pintuan, sinilip niya ang kaliwa at kanang pasilyo, samantalang wala namang tao, imposibleng may dumaan. Napalunok siya, pakiramdam niya nanunuyot ang lalamunan niya sa kakaibang pangyayaring ito. "Guni-guni mo lang 'yon, wag mong takutin sarili mo, wala ka sa horror movie," saway niya sa kanyang sarili. Sinara na lamang niya ang pintuan at bumalik sa loob para maayos ang mga gamit niya nang makapagpahinga na rin siya. Iniisip niyang pagod lang siya sa biyahe at sa pagbubuhat ng mga karton kaya kong ano-ano na ang nararamdaman niya, pero isang bagay ang hindi nawawala sa kanya sa mga oras na 'yon ang kaba, kakaibang kaba na ngayon lang niya naramdaman, pero isinantabi niya ito at pilit na winawaksi ang nangyari kanina lang. Hindi rin mawala ang pakiramdam niya na animoy may nagbabantay sa kanya, na animoy may mga matang nakatitig sa kanya sa mga oras na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD