Solidad Ika-14 ng Pebrero taong 1950 Ngayon ang ikawalong taon ng anibersaryo ng kasal namin ni Itchiro. At n Natigilan ako sa pagsususlat sa aking talaarawan nang may mapagtanto akong mga bagay-bagay. Kung walong taon na akong kasal nangangahulugan lang ito na walong taon na rin ang nakaraan nang huli kong makita si Vicente, matapos hindi sumipot sa aming tagpuan sa hindi ko malamang dahilan. At hanggang ngayon nanatili pa rin ang lamat na iniwan niya sa aking puso. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Napakaraming nangyari sa loob ng walong taon at karamihan dito ay lubhang nakalulungkot. Minsan akong napasilip sa labas ng bahay dahil hindi ako pinahihintulutan na lumabas ni Itchiro. Sa bintana, may nabanaagan ako noong isang batang humahagulhol at tumatakbo buhat ang may sakit niyang kap

