Kabanata 35

1566 Words

Vicente Maingat akong tumayo at nilapitan sina Benson at Patricia ngunit bago pa man ako makadikit sa kanila, kagulat-gulat na nawala ang mga ito at nagbago ang hitsura ng bahay. Bahagya akong tumingala at doon nabanaagan ko ang bilog na buwan. Wala na ang bubong at kisame ng bahay. Nagkalat din ang mga pira-pirasong bahagi nito sa loob. Saan mo na naman ako dinala? Mayamaya pa ay may narinig akong naghihingasing na tinig. Mula sa aking likuran. Hindi ko natiis na hindi pangilabutan. Maingat kong nilingon ang pinagmumulan ng tinig at walang anu-ano ay may naradaman akong matulis na bagay ang tumusok sa aking likuran at kalunos-lunos na tumagos hanggang dibdib. Sa labis na sakit, bahagyang nagdilim ang aking paningin ngunit pinilit kong iminulat ang mga mata ko para labanan ang sakit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD