Benson “Anak…Anak…” Isang malambing na boses ang naririnig ko. “Anak…hoy, anak…” May mainit na palad akong naramdaman sa pisngi. “Anak…Gising…Benson.” Mabilis na bumukas ang aking mata at bumalikwas sa pagkakahiga na parang binuhusan ng tubig. “Oh Mama gising na pala!” “Akala ko ba uuwi na yang kasama mo? Nasaan yung isa?” bulong niya na may kasamang nakakalokong ngiti. Bago ko pa man sagutin ang mga tanong ni Mama, may narinig kami ni Mommy na isang malakas na kalabog. Napatingin kami sa lugar kung saan nakahiga si Patricia. Namilog ang mata ko dahil bigla siyang nawala. Pero mayamaya lang ay may sumulpot…si Patricia, na nahulog lang pala mula sa sofa. Kala ko naman nawala rin siya. Kinabahan ako e. Mabilis siyang tumayo na yakap-yakap pa ang unan. Sinuklay niya ng kamay ang buhok at

