Vicente Para sa kinauukulan, Ang papel na ito ay naglalaman tungkol sa karapatan sa lupa ni Don Rogelio de Torres. Ang lupa ay may lawak na tatlong hektarya na hinati sa anim. Matapos niyang pumanaw naipamana sa akin ang karapatan sa lupaing ito. At bilang tagapagmana napagpasyahan kong ipamahagi ito sa mga tao na naninirahan dito at gumagamit bilang sakahan. Bilang may-ari ng karapatan, nilagdaan ko ang kasulatang ito na ngangahulugang ang karapatan ko sa lupa ay aking nang inilipat, ngayong araw, ika-13 ng Pebrero taong 1850, sa mga sumunod na tao: Pitogo Taburdan, Eliazer Merle, Juanito Abrea, Obet Catamio at Pedring Villaverde. Maraming salamat. Matapos isulat at gumawa ng ilan pang kopya na nakasalin sa wikang Espanyol, nilagdaan ko na ang mga ito sa gabay ng aking kaibigang Gobe

