Patricia Magpi-15 minutes na kami rito sa misteryosong bahay na ‘to pero wala pa ring nangyayari. Nag-try na kami ng mga ginawa namin kanina. Gaya ng paglabas pasok, pag-stay sa loob at muling paglabas pero wala pa rin. Sa kabila ng sobrang pag-aalala pinipilit ko pa ring kumalma. Kabaliktara ko naman si Benson dahil ngayon ay nagpa-panic siya. Pabalik-balik siyang naglalakad sa dalawang side ng bahay kaya naman mas lalo akong kinakabahan. Hanep! Nakakahawa ang pagiging paranoid niya. Sabagay sino ba namang hindi mapa-paranoid sa kalagayan naming ngayon? “Benson kalma lang. Let me think okay?” Dumukot ako sa bag ng isang bottled water at burger na binili ko kahapon pa. “Oh kumain ka muna at ‘wag kang magpaka-stress masyado. Feeling ko naman okay pa ito.” “Burger na naman? May supplier

