Chapter 28

1746 Words

Napatanga si Charlotte sa tanong ng ina. Hindi niya alam ang isasagot dito, hindi na nga pala siya dinatnan nitong nakaraang buwan pero akala nya normal lang iyon. Kailangan niyang makasiguro, kahit malakas ang kutob niyang tama nga ang hinala ng kanyang Inay. " I-inay malilate na po ako, sa canteen na lang po ako na malapit sa pinagtatrabahunan ko mag-aalmusal. " nasabi nalang niya sa Ina para makaiwas. Sa totoo lang abo't-abot ang kaba niya, papano kong buntis nga siya? Anong mukhang ihaharap niya sa kanyang Inay? " O siya sige na, mag-iingat ka anak." pagsang-ayon nalang ng kanyang Inay. " S-salamat po Inay." iyon lang at nagmamadali ng lumabas ng bahay si Charlotte. Kinakabahan man, pero naglakas loob pa rin siya na dumaan sa isang botika para bumili ng pregnancy test,dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD