Masayang mukha ng kanyang Inay ang bumungad sa kanya ng kumatok siya sa pinto. Ngunit nangunot din agad ng makitang mugto ang kanyang mga mata. " Anak,aba'y napano ka? Bakit namumugto yata ang mata mo?" nag-aalalang tanong nito. "Wala po ito Inay, napuyat lang po ako kagabi." pagsisinungaling niya dito tsaka pumasok na siya sa loob. " Ah ganon ba? Akala ko'y napano kana,kumain ka na ba ng pananghalian? May iniluto dito si Leslie, adobong baboy." " Hindi pa nga po Inay,pero wala po akong ganang kumain ei. Magpapahinga nalang po muna siguro ako. " walang kasigla-siglang sabi niya sa Ina. " Ay sya sige, tulog si Leslie sa kwarto mo kung gusto mo sa kwarto ko nalang ikaw magpahinga." sabi ng kanyang Inay. " Okey lang po Inay, tabi nalang po kami ni Leslie sa kwarto namimis ko na rin