Sinagot niya ang tawag ni Jayson,mas mabuti na sigurong magkausap sila para maipaalam na rin niya dito ang balak nilang pagpapakasal ni Charlotte. " Hello Dude,kumusta?" siya ang unang nagsalita. " Okey lang, next week tapos na ang kontrata sayo ni Charlotte. Kaya aalis na siya sa poder mo diba,kaya liligawan ko na siya Denver. Kaya please lang wag ka na sanang umepal pa samin." seryosong pahayag nito. Napakunot noo siya, saka lang niya naalala ang kontrata nila ni Charlotte,isang buwan nga lang pala iyon. Pero wala na rin namang bisa ito dahil magkasintahan na sila at nagbabalak ng magpakasal. Ngayon niya napagtanto na seryoso pala talaga ang kanyang kaibigan, bigla tuloy tila naawa siya dito. Pano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanila ni Charlotte, gayong tiyak niyang masasak