NAPANGITI si Janicah nang sa pagbaba niya sa hagdanan ay makita niya sa baba niyon si Ezekiel. Hinihintay ba nito ang pagbaba niya? Pero napalis ang ngiti niya nang hindi naman lumilingon sa kaniya si Ezekiel. Ang tingin nito ay nakatuon sa may entrada ng mansiyon. Kaya naman nang makababa siya ay tumayo pa siya sa may likuran nito at sinundan ang hinahayon ng tingin ng kaniyang asawa. Kumunot ang noo niya nang makita si Vince sa may labas ng pintuan. “Bakit titig na titig ka sa pinsan mo?” Napakislot pa si Ezekiel nang marinig ang boses niya. “Wife,” bulalas pa nito sa sobrang pagkabigla. Napatawa siya sa naging reaksiyon nito. Inginuso pa niya ang kinaroroonan ni Vince. “Ano’ng mayroon, hubby? At saka, bakit nakatayo roon si Vince?” bulong pa niya rito. Isang sulyap pa sa kaniya ba

