Two Months Later… NASURPRESA si Janicah nang maging bisita nila sa hacienda sina Tito Alfredo at Tito Elmer, mga anak ni Lolo Alonzo. Sabay pa talaga na umuwi ang mga ito sa San Fernando para magbakasyon. Bagay na ikinatuwa ng lahat. Lalo na at walang pasabi ang mga ito na darating. Kahit mas madalas na nakikita ng mga anak nila ni Ezekiel sa video call ang dalawa pang lolo ng mga ito kaysa sa personal, pero hindi naman naging balakid iyon para hindi matandaan ng mga anak nila kung sino ang mga ito. Kahit nga si Kieran, kilala ang mga ito. “The last time na umuwi kami, matapos mamatay ni Papa, you’re still in coma, Janicah. We’re glad na sa pag-uwi ulit namin ngayon, malakas ka na at back to normal na ulit,” ani Tito Alfredo sa kaniya. Tuwang-tuwa ito na makita siya. Ngayon, bilang part

