LUMINGON pa si Janicah sa mansiyon na papaliit na nang papaliit sa kaniyang paningin. Napapailing naman si Ezekiel. “Labas na ako riyan kapag nagalit si Jenny,” muli ay litanya na naman ni Ezekiel kay Janicah. Playing safe mula sa galit ni Jenny. Nakagat niya ang ibabang-labi nang magbawi ng tingin at mag-focus sa unahan ng sasakyan. Maging siya ay parang gustong magsisi sa ginawang desisyon. May kinukuha pa kasi kanina si Jenny sa gamit nitong silid at nagpaalam na hintayin nila dahil saglit lang naman daw ito. Si Vince naman, nang sabihin na isasabay na nito si Jenny rito papuntang Casa de Playa ay ewan ba niya at pinatulan pa niya. Pumayag siya against her sisters will. “Patay talaga ako kay Jenny mamaya,” anas pa niya. Hati tuloy ang nararamdaman ni Janicah. Excited siya na makita

