Chapter 129

2206 Words

PINAGLANDAS ni Janicah ang mga larawang nakalagay sa isang photo album. Ibinigay iyon sa kaniya ni Mama Belle para makita niya. Ayon dito, ang mga larawan na naroon ay kuha pa noong pumupunta sila roon ng kanilang pamilya two years ago. May isang larawan doon na katulad nang nasa silid nila ni Ezekiel sa hacienda. Background nila ng kanilang buong pamilya ay ang beach na iyon sa Casa de Playa. Abot sa mga mata ang ngiti nila sa larawan. Hindi maikakaila ang saya. Wala lang doon si Kieran dahil hindi pa ito naiipanganak. “Wife, gusto mo nitong pork barbecue?” ani Ezekiel na lumapit sa kaniyang tabi. Nang mga sandaling iyon ay nakaupo siya sa isang folding chair na over looking sa kaniyang harapan ang magandang view ng dagat. Ang mga anak at pamangkin niya ay abala sa paliligo sa dagat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD