NANATILI lang na nakayakap si Janicah kay Ezekiel habang nakalubog ang katawan nila sa tubig-dagat. Nakapulupot naman sa kaniyang katawan ang mga kamay ni Ezekiel. Hindi na santing ang init ng araw kaya nag-aya na siya sa kaniyang asawa na magsu-swimming na silang dalawa. Ang mga anak naman nila ng mga sandaling iyon ay mga tulog pa. Napagod sa paglalangoy kaninang umaga. Humirit pa ng babad sa tubig-dagat matapos nilang kumain ng tanghalian kanina. Nang masyado ng mainit sa balat ang sikat ng araw ay pinaahon na nila sa tubig. Nakasuot naman ng rash guard ang mga anak nila na siyang pang-swimming ng mga ito para hindi magkaroon ng matinding sunburn sa katawan. Nakasuot din siya ng rash guard. Ang pang-ibaba nga lang niyon ay hindi abot sa may bukong-bukong niya. Para kasing cycling ang

