MATAMANG pinagmasdan ni Ezekiel si Janicah. Simula yata nang dumating sila sa mansiyon galing sa Montessori School, para sunduin ang kanilang dalawang anak ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Pansinin man ay sobrang dali. Iiwas din agad ng tingin. Abala ang kaniyang asawa sa pagtingin ng mga notebook nina AJ at Emerald sa mismong silid ng kambal. Checking kung ano ang mga pinag-aaralan ng mga ito ngayon. Si Kieran naman ay nasa baba ng bahay, kasama ng kaniyang ina. Huminga muna siya nang malalim bago ipinasya na lumapit sa kaniyang asawa. Nang mapatingin sa kaniya ang kambal ay sumenyas pa siya na lumabas muna ang mga ito sa silid na iyon. Agad naman siyang sinunod. “Sandali,” ani Janicah nang makitang palabas ng silid ang mga anak nila. “Go on,” sa halip ay kontra niya kaya nagpat

