Chapter 119

2503 Words

NAPAHINTO si Mama Belle sa paglalakad nang makita nito si Janicah pagkapasok nito sa mansiyon. Ang ikinatigilan pa nito ay nang makita rin nitong buhat ni Janicah si Kieran. “Good afternoon, Mama Belle,” nakangiti pa ritong bati ni Janicah. “Tara kay lola?” baling pa niya kay Kieran bago sila naglakad palapit kay Mama Belle na hindi na nagawa pang humakbang. Siguro ay shock ito na makita siyang nasa mansiyon. Mukhang hindi pa rito nasasabi ni Ezekiel ang nangyari. Na alam na niya ang tungkol kay Kieran. “‘La!” nasasabik pang bulalas ni Kieran sa lola nito. “Mama,” nagmamalaki pa nitong wika na itinuro pa siya. “A-alam mo na ang tungkol k-kay Kieran?” Tumango siya. “Opo,” aniya na nagmano rito. Ganoon din si Kieran. “Papaanong—Oh, God,” naitakip pa ni Mama Belle ang dalawang kamay sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD