“HI, hubby,” nakangiting intro ni Janicah. “Alam ko, super excited ka ngayon. Same here, hubby. Kung anong excitement ang nararamdaman mo, ganoon din ako. Gusto ko lang sabihin na salamat sa lahat. Salamat sa pagmamahal mo. Sana lang natutugunan ko ‘yan ng maayos. Sorry kung minsan, hindi mo ma-gets ang mood ko. Pero, patuloy mo pa rin akong iniintindi. Hanggang ngayon, alam mo ba? Hindi pa rin ako makapaniwala na ‘yong taong unang nagpabilis sa t***k ng puso ko, asawa ko na ngayon at mahal na mahal ako.” Ikinurap-kurap ni Janicah ang mga mata nito na bakas ang pagsungaw ng luha. “Matagal ka mang nawalay sa akin, pero hindi nawala ‘yong pagmamahal mo sa akin na akala ko, nawala na. Paano bang umasa kung halos dalawang linggo lang naman tayong nagkasama noon? Kumpara sa anim na taon na wala

