Chapter 103

1001 Words

NANG bumalik si Jenny sa loob ng silid na kinaroroonan ni Ezekiel ay ang sikat ng araw agad ang napansin nito na hagip ang kama ng Ate Janicah nito. Mabilis nitong tinakbo ang papunta sa bintana at isinara iyon. Maging ang heavy curtains ay itinabing nitong muli sa bintana at agad na binukan ang ilaw sa loob ng silid. “Sorry, Kuya Ezekiel, hindi ko napansin na kumiling na ang araw dito sa mismong tapat ni Ate Janicah. Kahapon naman ay hindi ganito,” hinging paumanhin ni Jenny kay Ezekiel. Pero walang tugon mula sa kaniya na tulala lang na nakatingin sa mukha ng kaniyang asawa. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niyang nagmulat ng mga mata si Janicah. Ngayon ay pikit na ulit iyon at para bang walang nangyaring pagmulat kanina. “Kuya?” taka pang untag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD