PAGKASARA ni Ezekiel sa katatapos lang mabasa na libro ng Greek Mythology ay ipinatong niya iyon sa may bedside table. Hindi pa niya as in tapos ang buong libro. May iba’t ibang maiikling kuwento kasi ang loob ng libro niyon. Ibinalik niya ang tingin kay Janicah. “Wife, ngayon ko lang mas na-appreciate ang kuwento ng Greek Mythology. Sabi ni Jenny, paborito mo raw ‘yon noong high school ka. I wonder kung ano ang pinakapaborito mo sa lahat? So far, mas gusto ko ‘yong Eight Brief Tales of Lovers, lalo na ‘yong story ni Psyche at Eros.” Bumuntong-hininga siya. “But, I hate those parts na naghihiwalay ang mga bida sa kuwento. But some of them, sobrang pure ng love para sa isa’t isa hanggang sa huli ng buhay nila. Kung totoo lang ang mga Greek God and Goddesses, hihilingin ko rin sa kanila na

