Three months later… BAGO tuluyang pumasok sa Play House si Ezekiel ay pinagmasdan pa niya iyon buhat sa labas kung saan siya ngayon ay nakatayo. Dahil kailangan ni Janicah na mag-undergo sa therapy treatment para sa mas mabilisan nitong recovery, ginamit muna nila ang Play House para maging facility ng isinagawang therapy para dito. Malawak ang loob niyon kaya tamang-tama lamang para magamit ni Janicah. Bago ito mag-undergo sa therapy nito ay nagpagawa pa siya ng extension sa may likod ng Play House na magsisilbing silid doon ni Janicah para hindi ito mahirapan sa paglabas pasok sa mansiyon. Hindi naman nagreklamo ang mga anak nila dahil hindi nagamit ng mga ito ang Play House para paglaruan. Ang mahalaga raw ay ang maka-recover agad ang mama ng mga ito. Hindi na nagtagal pa si Ezekiel

