“HINDI ba nakakaabala sa iyo na narito ka sa hacienda tuwing Sabado at Linggo, Jenny?” tanong ni Janicah sa kaniyang bunsong kapatid. “Bakit naman magiging abala, Ate?” nangingiti pang tanong ni Jenny sa kaniya habang inaayos nito ang pumpon ng mga pulang rosas sa isang vase. “Alam ko naman na busy ka rin sa pag-aaral mo.” Sandaling napahinto sa ginagawa nito si Jenny. Dahil nakatalikod ito sa kaniya kaya naman huminga pa ito nang malalim. Pagkuwan ay nakangiti pa rin na nilingon siya. “Ate, ‘wag mo akong alalahanin. Mas gusto ko na nasa tabi mo ako tuwing weekend.” Mula sa pagkakaupo sa may gilid ng kama niya ay tumayo siya at nilapitan si Jenny. “Jenny, medyo naninibago talaga ako sa iyo,” aniya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Idinaan nito sa tawa ang sinabi niya. “Ate, kung hi

