Kabanata 42 Nang matapos akong mabihisan at maayusan ay agad nila akong inalalayan sa aking bagong kwarto, tumambay ako sa veranda at pinagmasdan lamang ang himpapawid, iniisip ko si Liham, kumusta na kaya siya? Is he looking for me? Is he worried? Paano naman si Lessy? Hanggang sa hindi napapatunayan na siya nga ang may pakana ng mga nangyari ay hindi ako maniniwala sa mga paratang sa kanya. Bigla kong naalala si papa, he warned me not to trust too much, people might take advantage of it. Pinikit ko ang aking mga mata, sumasakit ang ulo ko dahil sa dami ng mga tumatakbo at isa pa ay gusto ko ng mani ngunit wala naman. Bumalik ako sa loob ng aking kwarto, doon ay nakita ko si Yazi na seryosong nakatingin sa akin, nakatayo siya sa pintuan. "You sleep, now. I want my future wife to be w