Kabanata 44 Tinungo namin ni Liham ang subdivision kung saan nakatira si Stella, he parked the car in front of Stella's house and looked at me, "wait here." Tumango naman ako sa kanya, tahimik kong pinagmasdan si Liham na bumaba sa kotse at naglakad papunta sa tarangkahan ng bahay, pinindot niya ang doorbell at naghintay. Ilang minutong nakatayo sa labas si Liham na paulit-ulit lang sa pagpindot ng doorbell, he sighed. Nagulat na lang ako nang inakyat niya ang pader na walang kahirap-hirap. Nang nasa taas na siya ay tumalon siya, then he was inside the property just like that. Mula sa loob ng sasakyan ay kitang-kita ko si Liham mula sa gate bars ng bahay ni Stella, I crossed my fingers as if something bad might happen, sa gitna ng paglakad ni Liham ay biglang bumukas ang pinto. Bumung