Kabanata 33 "Kuya?" Kumunot ang noo ni Liham, tinignan ako ni Liham sa mukha at sa mukha ni Kuya, halata ang pagtataka sa kanyang mukha. "Kuya mo siya?" Tanong niya sabay turo sa sekretarya niya. Tumaas ang isang kilay ko, "huh? Hindi ko siya kuya! Kuya talaga ang pangalan niya!" Ngumiti si Kuya, alam kong nakakalito pero iyon talaga ang pangalan niya, hindi ko alam pero iyon ang pinangalan sa kanya ng mga magulang niya. Pero masaya ako na makita ulit si Kuya! "Yomi!" Ngumiti siya at tumayo, tila nakalimutan niyang meron si Liham at nagmadali siyang pumunta sa aking gawi at saka ako niyakap, "grabe, ano ang ginagawa mo rito sa opisina ni Sir?" Ngumiti ako, "siya ang mapapangasawa ko." Nanlaki ang mata ni Kuya, "talaga?" Tumingin siya kay Liham na nakatingin ng masama sa kanya, nagdal