“Itay, tapos ka na po bang magbihis?” magalang na tanong ni Eva sa ama. Nasa labas siya ng silid nito at kinatok niya ang pinto para tanungin kung tapos na itong magbihis, maaga kasi silang dalawa na aalis. Magpapasama siya sa pagpa-file ng annulment ng kanilang kasal ni Audrix. Ilang araw na rin niyang pinag-iisipan kung ano ang gagawin, kung tama ba ang pagpa-file niya ng annulment. Pero dahil naisip niya yung sinabi ng mga magulang ni Audrix at pakiramdam naman niya ay hindi na niya pa nais na makasama ulit ang kanyang ex-husband. At ayaw din niya na magpaka t*nga pa dahil isang katangahan na tatanggapin pa niya ito samantalang alam niya sa kanyang sarili na matagal na siya nitong ginagago at nagpapakasaya ito sa piling ng kinakapatid nitong si Belinda. At saka tama na rin siguro