Parang itinulos sa kanyang kinakatayuan si Eva habang ang kanyang paningin ay sinusundan ang dalawang taong naglalakad. Na naging sanhi ng kanyang pagkalugmok, makikita sa ngiti ng babae na tila ba sobrang saya nito habang nakapulupot ang kamay nito sa braso ng kanyang asawa. Si Audrix naman ay bahagya lamang na tumatango dito sa tila pinapakinggan ang sinasabi ng babae. Nanlalamig ang kanyang buong pakiramdam habang ang kanya kamay ay mariing naka kuyom. Tila nandoon ang kagustuhan na sugurin ang mga ito at ipamukha sa dalawa ang kawalang hiyaang ginawa ng mga ito sa kanya. Hindi niya akalaing makikita ang dalawa sa bayan na animo walang inagrabyadong tao. Tila normal lamang sa mga itong magpagala-gala sa bayan. Iyon palang sa tatlong buwan na pagkukulong niya sa kanilang bahay an