Katulad ng napag-usapan ay maghapon ngang naglinis ng bahay ang magkakapatid pati nga ang kanyang tatay ay tumutulong na rin kahit na ayaw niyang patulungin ito. Maging ang kanyang Ate Mona lalo pa at buntis ito. Pero talagang mapilit ang dalawa kaya naman hinahayaan na lamang niya pero magagaan na gawain lamang ang gawin ng mga ito. Ayaw niyang mahirapan ang mga ito. At halos maghapon silang naglinis, buti na lang natapos naman nila ang lahat ng dapat na linisin. Pero ang mga kailangang labhan na mga kurtina, mga sapin sa kama, punda ng unan, kumot at kung ano-ano pa ay balak niyang ipadala na lamang sa kanyang kuya sa laundry shop. Nais sana niyang tawagan na ang mga kasambahay nila pero mas gusto kasi niya na sila sila lamang ng kanyang pamilya muna ang magkakasama. Parang kat