“Kaya ikaw bunso ha huwag mo ng pabalikan ang hayop na iyon. Tingnan mo nga ang ginawa sayo, pati na mga magulang niya itinuring ka na ring parang basura. Kaya bunso tama na, maging masaya ka na lamang kung ano ang meron ka ngayon. Kung may darating sa buhay mo na ibang lalaking talagang mamahalin ka at ituturing kang parang prinsesa nakatulad namin. Asahan mo na suportado ka namin, pero dapat iyong hindi ka sasaktan. Hindi ka sisigawan. hindi ka makakaranas ng hirap na katulad ng ginagawa ng walang hiya mong asawa ngayon. Kaya please lang huwag na huwag ka ng babalik doon ha, maawa ka sa sarili mo. Hintayin mo na lang iyong tamang lalaki para sa'yo.” Hindi nakatiis na wika ng kanyang Kuya Elmer . Halata sa mga mata nito ang matinding awa sa kanya at galit para sa pamilya ni Audrix. Pero