Matapos magsalita ng hindi maganda ng kanyang tatay ay natahimik ito at napatiim na lamang ang labi. Tila may mga nais pa itong sabihin sa kanya ngunit mukhang mas pinili na lamang nitong matahimik. Pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit dahil sa kawalang respeto ang natamo niya sa magulang ng kanyang asawa. Ang sayang kanina lamang ay tinatamasa nila ngayon ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ramdam na ramdam niya ang galit at poot sa puso ng kanyang tatay. Maging sa kanyang mga kuya na bagamat mababakas na may galit sa mga mata ay hindi makapagsalita. Basta na lamang naikuyom ang sariling mga kamao. Marahil natatakot ang mga ito na masaktan siya sa mga sasabihin ngunit nagkakamali ang kanyang pamilya. Ngayon nakapagdesisyon na siya na tapos na ang pagiging sunod-su