“Anak bunso ko! Si tatay ito nandito na kami ng mga kuya mo!” Narinig ni Eva na tawag ng kung sino sa kanya sa labas. Tapos sunod-sunod ang doorbell at medyo napapalakas na rin ang pagkalampag sa kanilang gate, animo nais ng gibain iyon marahil sobra na ang pag-aalala. Parang wala pa siya sa sarili na nag-unatan tsaka muli na naman niyang narinig ang pagsigaw sa labas at pagkalampag sa gate. Doon pa lang siya napabalikwas ng bangon ng mapagtanto niyang nandiyan na ang kanyang pamilya. Tinanghali na pala siya ng gising, napatingin siya sa salaming sliding door sa terrace, mataas na nga ang araw sa labas. “Sinasabi ko na nga ba, iba yung pakiramdam ko kagabi eh. Tatay baka kung ano na ang ginawa ni bunso, sabi ko na nga iba yung nararamdaman ko sa mga sinasabi niya kagabi. Nagulat n