Chapter 52: Humiliation DAHIL hindi makatulog si Agatha ay naalala niya ang nangyari noon sa kanya bago niya nalaman noong ipinagbubuntis niya pa lang ang anak niyang si Lucian. "You're three weeks pregnant, miss." sabi ng doctor kay Agatha na siyang nakapagpalaglag nang panga niya. Pagkatapos niyang magulat sa sinabi ng doctor ay agad din naman siyang napahilot sa sintido niya. Hindi kasi maintindihan ni Agatha kung paanong nangyari na nabuntis siya na wala siyang kaalam-alam. Sakto kasing kaka-graduate lang din nila sa college matapos niyang malamang buntis siya. Pakiramdam ni Agatha ay may kinalaman ang pagbubuntis niya sa lalaking hindi niya na maalala. Noong nagising kasi si Agatha sa infirmary matapos niya raw na malunod ay sinugod siya doon ng kaklase nila na sinasabi ng mga k