Chapter 51: Child HINDI malaman ni Agatha kung paanong iiwas sa mga tingin ni Lucien dahil napapansin niyang kanina pa nakatitig ang lalaki sa kanya. Kasalukuyan kasi silang nasa restaurant dahil pagkatapos ng photoshoot ni Lucien ay nagpaalam ito kay Steph na ilalabas si Agatha. At dahil mabait naman ang manager ni Lucien ay pinayagan na lang sila nito na lumabas na hindi nagtatanong sa kanila kung anong relasyon nilang dalawa. "Ahm, sir? May kailangan pa po ba kayo sa akin pagtapos natin dito?" hindi na napigilan ni Agatha na itanong kay Lucien. Kaya mahina namang natawa si Lucien sa sinabi ni Agatha dahil na-realize ni Lucien na kanina niya pa pala tinitigan ang dalaga kaya naman huminga muna nang malalim si Lucien saka humigop ng wine sa glass wine na hawak niya. Pagkatapos na iba