Chapter 35: Past NAGSISIGAW si Morana habang nasa kagubatan siya matapos nilang mag-usap ni Lucien kanina. Hindi kasi makapaniwala si Morana na gagawin ni Lucien iyon sa kanya matapos ang lahat ng pinagdaanan nila. At mas lalo lang dumilim at sumama ang panahon dahil sa hinanakit ni Morana. Kapag kasi pumapasok sa alaala niya ang mga nangyari sa nakaraan nila ni Lucien ay mas lalo lang na nararamdaman ni Morana ang sakit sa puso niya. Gaya kasi ni Lilith ay isa ring diyosa ng langit si Morana. At bilang diyosa ay tungkulin nilang gampanan ang tungkuling binigay sa kanila ng may likha. Si Morana ay isang diyosa ng taglamig. Si Morana rin ang nakalikha ng niyebe sa mundo ng mga tao dahil isa iyon sa mga kapangyarihan niya. At tulad ni Lilith na mas matandang diyosa kay Morana ay pareho s