Chapter 34: Envy HABANG pinagmamasdan ni Morana si Lucien at Agatha ay hindi maiwasan ni Morana ang makaramdam ng galit. Bukod pa dun ay nakakaramdam siya ng sakit dahil sa tanang buhay niya ay ngayon lang nasaksihan ni Morana na mapamahal si Lucien, hindi sa kanya kundi sa isang mortal. Kaya naman umigting ang panga ni Morana ng makita niyang hinalikan ni Lucien si Agatha at saka ito niyakap. Hindi rin matiis ni Morana ang galit na nararamdaman niya dahil naririnig din ni Morana ang mga pinag-uusapan ng dalawa. Pinanood lang ni Morana ang lalaking gusto niya habang magkahawak kamay si Lucien at Agatha habang naglalakad pauwi sa hotel na tinutuluyan nila. Nang mga sandaling iyon ay gusto na talagang patayin ni Morana si Agatha kahit pa na hindi ito sigurado sa nararamdaman para kay