Chapter 39: Return MAAGA palang ay pumasok na sila Lucien at Agatha sa University dahil nalalapit na ang pagtatapos ng semester nila. Kailangan pa ni Agatha na mag-aral mabuti para makapagtapos. Kaya nang makarating sila club nila dahil iyon ang first subject nila Agatha ay napatigil din sila ni Lucien at mabilis na inalis ni Agatha ang magkahawak-kamay nila ni Lucien. "Morana?" hindi inaasahang tawag ni Lucien kay Morana. Mabilis namang tumayo si Morana saka nakangiting lumapit kay Lucien. Matapos nun ay nilingon pa ni Morana si Agatha kaya naman napaiwas ng tingin si Agatha. "Oh, bakit mukhang hindi ka yata masayang makita ako?" malungkot na sabi ni Morana kaya naman napalunok si Lucien. Napasulyap si Lucien kay Agatha at nakita naman ni Lucien na hindi makatingin si Agatha kay Mor