Chapter 42: Rampant PIGIL ni Agatha ang hininga niya dahil sa kiliting idinudulot nang paghaplos ni Lucien sa bewang niya. Kaya nang magkatitigan silang dalawa ulit ay muli na namang naglapat ang mga labi nila. Nayakap na lang si Agatha habang nalulunod sa emosyon niya. Hindi maipaliwanag ni Agatha kung bakit imbis na maging masaya ay nalulungkot siya. Pakiramdam ni Agatha ay iyon na ang huling sandali na makakasama niya ang lalaki. Kaya ayaw ni Agatha na matapos ang mga sandaling iyon dahil ayaw na ni Agatha na malayo kay Lucien. Ngayon kasi ay naisip ni Agatha na hindi niya na alam kung anong mangyayari sa kanya kapag nawala si Lucien sa tabi niya. Ngunit ang hindi naman alam nila Agatha ay nanlilisik ang mga mata ni Morana habang nakamasid kila Lucien at Agatha sa ere. Nasasak