Chapter 43: Fear NANG malapit nang maabot ni Lucien ang kamay ni Agatha ay mabilis niyang hinawakan sa braso si Agatha nang maabot niya na si Agatha at Morana. Nang akmang hihilahin na ni Lucien si Agatha paangat sa tubig ay pinigilan naman ni Morana na mahila ni Lucien si Agatha. Kaya walang ibang nagawa si Lucien kundi ang hilahin nang mas malakas si Agatha para makuha kay Morana. Kaya nang magtagumpay si Lucien sa pagligtas at pag-ahon kay Agatha sa tubig ay mabilis niyang binuhat si Agatha pahiga sa sahig ng pool. "What happened to Ms. Miranda?!" nag-aalalang tanong ng professor nila Lucien nang makitang wala nang malay si Agatha. Hindi na pinansin pa ni Lucien ang paligid at nagsimula na siyang i-cpr si Agatha para lang maisalba si Agatha sa pagkakalunod. Ilang beses pang pinump