Chapter 44: Leaving HINDI matigil ni Lucien ang pagluha ng mga mata niya dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga maramdaman ang pulso ni Agatha. "Agatha, please! H-huwag mo naman akong iwan ng ganito!" sigaw ni Lucien habang nakayakap pa sa katawan ni Agatha. Sobrang nakaramdam naman ng awa si Beelzebub na nakikitang nahihirapan ang kapatid niya at nagluluksa dahil sa pagkamatay ng babaeng mahal nito. Kaya hindi na nakatiis pa si Beelzebub at dahan-dahan siyang lumapit kay Lucien saka hinawakan ang lalaki sa balikat nito. "Lucien, susubukan kong tulungan ka... Titingnan ko kung anong makakaya ko para buhaying muli si Agatha. Ngunit sa isang kondisyon, iyon ay kailangan kong kunin ang ala-ala ni Agatha at sasama ka sa'min pabalik sa impyerno," seryosong sabi ni Beelzebub kaya