Chapter 45: Punishment MATAPOS ang diskusyon nila Lucien at Lucifer kanina ay agad namang ipinasok si Lucien sa isang silid na magsisilbi niyang kulungan. At habang hinihintay ni Lucien ang magiging sintensya niya ay tahimik lang na napapaisip si Lucien. Iniisip kasi ni Lucien kung kamusta na si Agatha. Nalulungkot si Lucien na isipin na kahit na wala na siya sa tabi ng dalaga ay hindi man lang ito malulungkot dahil hindi na siya nito maaalala. "Lucien..." agad namang napalingon si Lucien sa labas ng silid na nagsisilbi niyang kulungan at nakita niya naman si Beelzebub na nag-aalalang nakatingin sa kanya. "Ayos ka lang ba? Nalulungkot ka ba diyan sa loob? Gusto mo ba samahan kita?" dagdag pa ni Beelzebub. Marahan at pilit namang napangiti si Lucien dahil sa inakto ng kapatid ni