Chapter 46: Discussion NANATILING tahimik si Lucien dahil sa naging diskusyon ng ama nila sa hapagkainan nila. At habang nakamasid si Lucien sa mga kasama niya sa silid ng mga sandaling iyon ay nakita naman ni Lucien ang masamang tingin ni Mammon sa kanya. "Iyon lang ang lahat ng gusto kong ipaalam sa inyo. Sana ay naging malinaw ang mga sinabi ko sa inyo. Pagkatapos sabihin iyon ni Lucifer yun ay tumayo na ito sa kinauupuan nito. At nang makalabas na si Lucifer ng silid kung saan sila nagtipon-tipon ay nakita naman ni Lucifer na masama ang mga tingin ni Mammon at Lilith sa kanya. Pero hindi naman siya kinausap ng dalawa dahil nang makatayo ang dalawa ay mabilis lang na lumabas ang mga ito sa silid. Kaya nang makita ni Lucien si Beelzebub na papalapit sa kanya ay napangiti lang siya na