CHAPTER 47

1531 Words

Chapter 47: Plead MAKALIPAS ang limang taon nang pananatili ni  Lucien sa impyerno ay marami na ring nangyari. Natuloy ang pag-iisang dibdib nila ni Morana kaya naman ngayon ay pinapatawag sila Lucien at Morana nila Lilith at Lucifer. At dahil may ideya na si Lucien kung ano ang pag-uusapan nila ng ama at ina niya ay inihanda niya na ang sarili. Hindi naman kasi naging madali lahat kay Lucien sa loob ng limang taon dahil hindi pa rin nawala ang pangungulila niya kay Agatha. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maiwasang isipin ni Lucien kung ano na bang lagay ni Agatha. Umaasa pa rin kasi si Lucien na makikita niya ang dalaga kaya hindi pa rin siya sumusuko at nawawalan ng pag-asa. "Maupo kayo," seryosong sabi naman ni Lilith nang makita sila Lucien at Morana na pumasok sa silid.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD