Chapter 32: Introduced NAPAHINTO si Lucien sa paglalakad patungong classroom nila dahil kinalabit siya ni Beelzebub. "Lucien, ano na ang gagawin mo ngayon? Nakaligtas nga tayo kay Mammon ngunit nandito naman si Morana. May bago ka na namang po-problemahin..." nag-aalalang tanong ni Beelzebub kay Lucien. Tama naman ng sinabi si Beelzebub. Nakahinga nga nang maluwag si Lucien dahil buhay pa rin siya at hindi napatay ni Mammon ngunit nandito naman ang isa sa mga iniiwasan niyang makita. Isa kasi sa mga dahilan kung bakit tinatanggihan ni Lucien na makaisang dibdib si Morana ay dahil natatakot siya sa babae. Masyado kasing malakas ito kumpara sa kanilang magkakapatid. Bukod pa dun ay ayaw nitong nawawala siya sa paningin ng babae kaya naman nasasakal si Lucien. Ngunit kahit na ganun si M