Chapter 54: Struggles NANG tuluyan nang makarating sila Agatha sa emergency room ay lalong naramdaman ni Agatha ang pananakit ng tiyan niya. Mas masakit pa iyon kapag sumasakit ang puson niya sa tuwing nagkakaroon siya ng buwang dalaw. Kaya walang ibang magawa si Agatha kundi ang mapaiyak sa sakit dahil hindi niya alam ang gagawin para mawala iyon. Nang makita ni Agatha ang doctor na pumasok sa emergency room ay agad naman nitong tinanggal ang underwear ni Agatha. At dahil babae naman ang doctor na tumitingin kay Agatha ng mga sandaling iyon ay hindi na siya nakaramdam nang pagkahiya. Marahan pang binuka ng doctor ang hita ni Agatha bago ito napabaling sa kanya. "Nakikita ko na ang ulo ng baby. Kapag sinabi kong push saka ka magsimulang umiri, maliwanag ba misis?" paliwanag pa kay Agat